Thursday, September 12, 2013

Kapag Inatake Ng Topak

Wala akong maisip na title. Promise! -_- Ahhh! Okay. Nitong mga nakaraang araw, gusto ko lang palaging mag-isa. Madalas tamad na tamad akong makipag-usap sa mga tao. Piling-pili lang talaga ung mga taong kinakausap ko ng sobrang haba. So un. Kanina, nagpunta ako sa isang event na madaming tao. Sa MIBF. Awkward. Mukhang tanga. Nakaka-inis. Ahahahaha! Kasi naman gusto kong mapag-isa tapos pupunta ako sa event na madaming tao. Aish! -_- Dalawang dahilan kung bakit ako nagpunta sa event na un, una, dahil gusto kong makita at makasama ulit ang mga kaibigan kong maiingay at makukulit, ang tagal ko na kasi silang hindi nakikita at nami-miss ko na sila ng bonggang-bongga! Tuwing kasama ko kasi 'tong mga 'to lagi akong nakatawa, laging masaya, good vibes. Di ko na sila papangalanan kasi...baka paslangin nila ako. LOL! Kilala niyo naman kung sino-sino kayo diba? :p Pangalawa, dahil gusto kong malunod sa mga libro. Ahahahaha! Hindi lang po talaga halata pero mahilig ako sa mga libro. Tamad nga lang akong magbasa...minsan. :3 Pero hindi naman talaga yan ang dahilan kung bakit ako nag-blog. LOL!

Ang sama na talaga ng pakiramdam ko nung pauwi na. Inaatake nanaman kasi ako ng pesteng hika na 'to -_- Sa bus, nasususka na talaga ako at ang sakit-sakit ng ulo ko pero hindi ako makatulog. Sinubukan kong matulog kahit saglit pero ayaw talaga. So tinext ko si Mama at inutusan ko siyang tumawag sa trabaho kasi di nga ako makakapasok, dahil sa sama ng pakiramdam at male-late din ako kasi nga traffic. Un na nga, sa SM ako bumaba para magpalamig dahil lalong lalala ang hika ko kapag sobrang init. Umupo ako sa may food court bilang wala namang masyadong tao. Tapos nung medyo kumalma na ung paghinga at pag-ubo ko, nagpunta ako sa Precious Pages at bumili ng pocketbooks. Ulit. LOL! Nakipagdaldalan ng konti kay ateng cashier na makulit. At umuwi na.

Nung malapit na ako sa exit ng SM, nag-decide ako na maglakad nalang simula SM hanggang sakayan ng tricyle papunta samin. Wala lang. Trip lang. Inatake nanaman ako ng topak eh. Habang naglalakad ako pauwi, madami akong bagay na naisip. Ang sarap pala sa feeling ng maglakad ng mag-isa. Magmuni-muni. Ung malamig na simoy ng hangin nakakapagpakalma. Kahit na may mga dumaraang maiingay na sasakyan, keri lang. Gusto kong ulitin un. Gusto ko ulit maglakad. Ung mas malayo naman. Kahit di masyadong tahimik basta medyo malamig. (sa sementeryo kaya? LOL! Joke lang.) I found peace. Kahit saglit lang. Peace. Ang sarap sa pakiramdam.

Ahhh! Gutom lang siguro 'to *halungkat sa bag* Uuyyy! Lollipop! Nomnom. Good night. All in all, I had a wonderful day. My friends never fail to make me happy. I love you, girls. Next time ulit. May manlilibre na. Damang-dama ko. LOL! <3