Simula nung nawala si Nanay, pinigilan kong mag-sulat ng blog post about her. Ayokong umiyak habang gumagawa ng blog post. Pero ngayon, last night specifically, I dreamed of her. For the first time after she left us, she visited me in my dreams.
In my dreams, nasa bahay kami nun ng pinsan ko, sa Manila, nakahiga siya sa couch sa sala tapos napapalibutan siya ng mga kamag-anak namin...ng mga tita ko, pinsan, pamangkin, at ng lolo ko, wala dun sila Mama at Papa pati kapatid ko wala din. Tapos ako naka-upo sa hagdan. I was crying non-stop. Naka-tingin lang ako sa kanila, pinapanood silang lahat. Lahat sila malungkot. Tapos nilalapitan ako nung iba kong pamangkin, when all I wanted was to be alone and cry alone. Ang kulit-kulit nilang lahat, nasigawan ko pa nga sila kasi di nila maintindihan na gusto kong mapag-isa, na ayokong pakielamanan nila ako. Mayamaya, tumayo si Nanay, na-shock kaming lahat kasi hinang-hina na siya nun. Tumayo siya, lumapit siya sakin. Niyakap ko siya, and I said, "Sorry sa lahat-lahat. I love you, 'Nay." Nginitian niya ako, ah, her weak smile, then she said, "You just said you love me." Shocked ung expression niya. Nagulat din ako kasi nag-english siya. Sinagot ko siya, I said, "Ofcourse I do." Tapos nginitian ko siya. The saddest part was, tumingin siya nun sa itaas, sabi niya, "Kung ganon, pwede na siguro akong magpahinga, pwede na akong umalis." It broke my heart. Kasi for the second time around naisip ko na mawawala nanaman siya sakin...sa amin, that we would lose her all over again. Tinitigan ko siya nun, then I screamed while crying, "NO!" After that, nagising ako nang umiiyak.
Ang sakit-sakit. Hanggang ngayon hindi ko parin matanggap na wala na siya. Everyday umaasa parin ako na panaginip lang ang lahat. Na pag-gising ko anjan lang siya, na buhay parin siya. Pero hindi eh, tuwing gumigising ako at nakakapa ko ung kwintas na binigay niya sakin, napapaiyak nalang ako kasi I know, kahit na gaano ko pa itanggi, I know that she is gone and she will never come back. Not ever. Makikita ko nalang siya sa panaginip ko, makaka-usap ko nalang siya sa panaginip ko...kung dadalawin niya ako dun. Ang sakit, 'Nay. I love you, so much. I miss you, every single day, I miss you.
*cries hard*