Kanina lang 'to nangyari. At hindi ako maka-get-over kay Mama. LOL!
Inaayos ko kasi ung lagayan ko ng pocketbook. Hindi na kasi kasya. At ang iba sa kanila ay nalulukot na dahil sumasabit. Sa drawer ko lang kasi nakalagay ang mga pocketbook. Eh maliit lang un so medyo umaapaw na. -_- And the conversation went like this:
Mama: Alin ba jan ung mga hindi ko pa nababasa?
Me: Hala. Hindi ko alam. Pati ba naman un itatanong mo pa sakin?
Mama: Hindi. Ang ibig kong sabihin ay ung mga bago mong binili na hindi ko pa nababasa.
Me: Wala pa akong bagong nabibili dahil wala nga akong perang pambili.
Mama: *nag-isip* Yung mga binili mo nalang dati na hindi ko pa nababasa. Asan na un?
Me: Mama, hindi ko nga alam kung alin na ang nabasa at hindi mo pa nababasa jan. *tinambak sa harap niya lahat ng pocketbooks* O, ayan, tignan mo nalang kung alin pa ung di mo nababasa.
Mama: *pumipili* Ayusin mo nga yang drawer mo. Ilagay mo nalang kaya sa kahon yang mga pocketbooks mo.
Me: O sige, pahinging kahon.
Mama: Ayusin mo nalang yan jan. Itatapon ko yan.
Me: Edi itapon mo!
Mama: *nakapili na* Eto na lahat.
(Pagkatingin ko, suskopooooo~ kalahati pa ata ng nasa drawer ko ang di niya nababasa. Tapos reklamo ng reklamo na wala na daw siyang babasahin. LOL!)
Me: Ginulo mo nanaman! Aayusin ko nanaman. Tapos magrereklamo ka kapag magulo. Saan ko ilalagay yan? Tsk!
Mama: Ilabas mo nalang jan.
Me: Ayoko! Maalikabukan. (jinojoke ko lang siya)
Mama: Basta ilagay mo lang sa bungad ng drawer mo para alam ko.
Me: Tsk! Inayos ko na nga yan. Sa likod ko ilalagay yan. (Nang-aasar)
Mama: O sige. Sige. Doon mo nalang yan ilagay sa isang cabinet.
Me: *nagningning ang mata* (i swear feeling ko nagningning talaga ang mata ko nung nadinig ko na bibigyan niya ako ng bagong space na paglalagyan ng pocketbooks ko. LOL!) Alisin mo na lahat ng nakalagay dun.
Mama: Bukas na. Magbabasa muna ako.
Me: YES! May bago na akong lalagyan na matino! :D
(At si Mama, ayun, busy na sa pagbabasa ng pocketbook. Mahirap istorbohin 'yan pag nagbabasa. Pag kinausap mo siya habang nagbabasa, after ten tawsan years ka pa niya sasagutin. At kung minsan pag sinuswerte ka, hindi ka talaga niya kakausapin. HAHAHAHAHA!)
Ayun. Nonsense nanaman. Ang gusto ko lang namang sabihin ay may bagong lalagyan na ang pocketbooks ko! Manuhay! Yay! Parteeeeyyyy! <3