Wednesday, December 11, 2013

Uncertain

Natatakot ako sa future ko....sa mangyayari bukas. Hindi ko alam kung anong mangyayari. Lahat gusto ko naka-plano. Para handa ako sa magiging outcome. Pero eto....ugh! Ang hirap manghula. LOL! Nakakainis na nakaka-frustrate. Malapit na akong mawalan ng trabaho. Okay lang naman un sa'kin eh. Makakapagpahinga ulit ako. But the question is kung okay lang din ba un sa mga magulang ko? Lagi nalang akong nape-pressure. Specially si Mama. Lagi niya akong pinupush. Masyado silang nag-e-expect sa'kin. Nakakapagod kaya na i-please sila. Hindi na ako ito. Hindi ko na kilala sarili ko. Robot na ata tingin nila sa'kin eh. Galing sa trabaho...2 days na nga lang ang rest day --na minsan ay nagiging isang araw nalang-- tapos kung ano ano pang iniuutos sa'kin na kaya naman nilang gawin. Hello?! I deserve a break! Don't I? -_- Tapos kasalanan ko pa kung di ko magagawa ung pinagagawa nila? Bullshit! Nakakapagod! Okay so nag-rant nanaman ako -_-

Marami silang pinaplano para sa'kin. Sila meaning my family. Alam ko gusto nila ung best para sa'kin pero naman! Bakit ako nalang palagi? Bakit feeling ko ayaw nila akong tulungan? Ako ung pinag-uusapan...ung future ko...pero bakit hindi ako kasali sa usapan? Bakit hindi ako kasali sa paggawa ng desisyon? WALA BA AKONG KARAPATAN SA BUHAY KO?! Etong trabaho ko...sa totoo lang after graduation ayaw ko pa sanang mag-trabaho. Pero since lahat nalang sila ine-expect akong magka-trabaho...pinu-push akong mag-trabaho eto ang resulta...nagka-trabaho ako. Gusto  ko naman ung work ko eh...minsan. LOL!

Nag-decide sila na ipadala ako sa Canada. Nag-usap-usap sila without my knowledge. Ayaw ko dun dahil feeling ko ipapatapon nila ako dun. LOL! Strict pa naman ung mga Tita ko na nadun. Shit! Ayoko nun! Ayoko ng ganun! Ayoko dun! Pumayag na nga ako na ipadala nila ako sa Dubai tapos ngayon Canada naman. Taena! Tama na! Wuuu! Tapos pakukuhanin pa ako ng course na ayaw ko para daw maging "ticket" ko un papuntang Canada. Nakaka-sawang sumunod nang sumunod. Nakakasawang maging robot. Ayaw ko na. Nakaka-pagod.

Errr. Ewan. Magsaksak nalang kaya ako? :)) Ah, sana Sabado nalang ulit! Eksayted na meeee :)) Bipolar much? LOL! Walang ka-kwenta-kwenta itong post na ito. XD